Bangkay ng nalunod na mangingisda sa Camarines Sur, na-recover ng PCG

PCG photo

Nagsagawa ng retrieval operation ang Philippine Coast Guard (PCG) Station – Camarines Sur sa nawawalang mangingisda sa bahagi ng Camaligan, araw ng Linggo (November 1).

Na-recover ng PCG ang bangkay sa bahagi ng Barangay Dugcal.

Batay sa imbestigasyon, nalunod ang biktima habang inaayos ang mooring lines ng MB Camaligan.

Tumaob ang bangka dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng Bagyong Rolly.

Kasama rin sa operasyon ang ilang tauhan ng Coast Guard Sub-Station – Camaligan at PNP Maritime Group – Camaligan.

PCG photo
Read more...