Dumating na sa Guinobatan, Albay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos magsagawa ng aerial inspection sa Bicol region para alamin ang lawak ng pinsala ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, galing sila ng Davao ni Pangulong Duterte at inikot ang Catanduanes at Guinobatan.
Sa mga litrato na ibinihagi ni Go sa media, makikita ang lawak ng pinsala ng bagyo.
Ayon kay Go, pinaiimbestigahan ng Pangulo ang quarrying sa Guinobatan matapos magreklamo ang mga residente.
Isa ang Guinobatan sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Rolly.
MOST READ
LATEST STORIES