BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 385,400 na

Mahigit 2,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 2), umabot na sa 385,400 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 29,301 o 7.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,298 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.6 porsyento ang asymptomatic; 2.8 porsyento ang severe habang 5.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 32 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,269 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 87 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 348,830 o 90.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...