5 patay sa Catanduanes dahil sa pananalasa ng Bagyong #RollyPH

PCG photo

Patay ang lima katao matapos manalasa ang Bagyong Rolly sa Catanduanes.

Ito ang kinumpirma ni Catanduanes Governor Joseph Cua matapos makontak ang national government sa kauna-unahang pagkakataon matapos manalasa ang bagyo.

Ayon kay Cua, pawang nalunod ang mga nasawi.

Apat naman ang naiulat na nasugatan, 10,000 hanggang 15,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

80 porsyento sa mga poste ng kuryente sa Catanduanes ang natumba.

Bagsak din aniya ang lahat ng cellcites kung kaya’t walang paraan kung papaano makokontak ang mga taga-Catanduanes.

Pagdating naman sa pinsala sa mga ari-arian, nasa 65 porsyento ng mga light material na kabahayan ang nasira habang 20 porsyento na malalaki at kongretong tahanan ang nawasak.

Wala din aniya silang tubig sa ngayon at tanging tubig mula sa deep well o poso ang pinagkukuhanan nila ng tubig.

Nasa P400 milyon naman aniya ang pinsala pagdating sa Abaca na pangunahing produkto ng Catanduanes habang P200 milyon sa iba pang pananim.

Read more...