Walang communication vacuum sa kasagsagan ng Bagyong Rolly – Palasyo

Walang communication vacuum sa nangyaring Bagyong Rolly.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng batikos ng netizens na marami sa mga nabiktima ng bagyo ang walang sapat na impormasyon umano sa dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naging aktibo naman ang government station na PTV 4, Philippine Information Agency at iba pa.

Gumagana aniya ang communication infrastructure ng gobyerno.

Sinabi pa ni Roque na aktibo rin anng mga pribadong TV station sa pagbibigay ng impormasyon gaya ng TV 5 at GMA 7.

Hindi rin aniya matatawaran ang masisipag, matatapang at magagaling na radio reporters.

Agosto nang ipasara ang operasyon ng ABS-CBN matapos hindi ma-renew ang prangkisa.

Read more...