VP Robredo, nagtungo sa Camarines Sur para bisitahin ang mga nasalantang lugar dulot ng #RollyPH

Photo credit: Vice Pres. Leni Gerona Robredo/Facebook

Nagtungo si Vice President Leni Robredo sa Camarines Sur, araw ng Lunes (November 2).

Ito ay para bisitahin ang mga lugar na nasalanta ng Bagyong Rolly.

Ibinahagi ng bise presidente ang mga larawan kung saan makikita ang pinsalang iniwan ng bagyo sa Camarines Sur.

Photo credit: Vice Pres. Leni Gerona Robredo/Facebook

Aniya, magtutungo rin siya sa Albay at Catanduanes.

Samantala, nagre-repack na ang ilang staff ng Office of the Vice President (OVP) ng relief goods para maipadala sa mga apektadong lugar sa naturang probinsya.

Photo credit: Vice Pres. Leni Gerona Robredo/Facebook
Read more...