Tropical Storm Siony napanatili ang lakas, magpapaulan na sa Batanes, Cagayan at Isabela

Napanatili ng Tropical Storm Siony ang lakas nito habang nasa bahagi ng karagatan ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 630 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ngayong araw, ang trough ng bagyo ay maari nang magdulot ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan at Isabela.

Kikilos ng west-northwestward o northwestward ngayong araw ang bagyo at bukas ng umaga ay halos magiging stationary ito hanggang sa Miyerkules.

 

 

 

 

Read more...