Malakanyang nanawagan sa pubiko na ipagadasal ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Rolly

Nanawagan ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na sama-samang mag-alay ng panalangin para sa mga mahal sa buhay na pumanaw na pati na ang mga nasawi sa nagdaang bagyong Rolly.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng paggunita ng All Soul’s day ngayong araw, November 2.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sana ay maging mapayapa ang mga pumanaw na sa piling ng Maykapal.

“Sa araw na ito, nananalangin tayo na ang lahat ng mga yumao nating mahal sa buhay, kabilang ang mga nasawi sa nagdaang bagyo at pandemya ay maging mapayapa sa piling ng Maykapal. Amen.” pahayag ni Roque.

Sampu katao na ang naiulat na nasawi dahil sa bagyong Rolly.

 

 

Read more...