Mahigit 50,000 consumer ng Meralco sa Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan at NCR wala pang suplay ng kuryente

Mayroon pang mahigit 50,000 consumer ng Meralco ang wala pa ring suplay ng kuryente matapos manalasa ang Super Typhoon Rolly.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, hanggang ngayong Lunes ng umaga, Nov. 2, aabot pa sa 53,863 na konsyumer mula sa Cavite, Quezon, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan at Metro Manila ay nananatiling walang splay ng kuryente.

Pinakamaraming mga bahay na apektado pa ng power service interruption ay sa lalawigan ng Rizal.

Samantala, pinipilit namang maibalik ang linya ng komunikasyon at suplay kuryente sa kabuuan ng lalawigan ng Catanduanes.

 

 

 

 

 

 

Read more...