WATCH: Makapal na putik iniwan ng bagyo sa isang subdivision sa Batangas City

Makakapal na putik ang tumambad sa mga residente ng Tierra Pura Subd, Barangay Pallocan West, Batangas City ngayong umaga.

Ito ay matapos silang magbalikan sa mga bahay dahil sa flashflood na naranasan kahapon hanggang kagabi.

Ayon sa mga residente, may mga lugar na lagpas tao ang baha.

Ang karamihan lumikas patungo sa mga kamag-anak, evacuation center habang ang meron naman na 2nd floor ay umakyat na lamang doon.

Ang mga appliances, marami ang hindi na maaring mapakinabangan matapos malubog sa baha at putik.

Pahirapan sila sa ginagawang paglilinis kaya humihingi sila ng tulong sa pamahalaan upang magpadala ng mga truck ng bumbero na mag aalis ng putik na pumasok sa kanilang mga bahay.

Ito na ang ikalawang beses na binaha ang nasabing lugar, una ay noong taong 2000.

May katabi kasi na creek ang subdivision na nagdudugtong sa Ilog ng Calumpang na tumaas ang tubig sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

 

Read more...