18 Road Sections sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly nananatiling sarado

Sarado pa din sa mga motorista ang aabot sa labingwalong road sections sa mga rehiyon sa bansa na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.

Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, sa Cordillera Administrative Region (CAR) dalawang kalsada pa ang sarado.

Mayroon ding dalawang kalsada na sarado sa Region 3, 1 sa Region 4, at 12 sa Region 5.

Karamihan sa mga nasabing kalsada ay binaha, nakapagtala ng landslide o mayroong bumagsak na poste.

Nagpapatuloy ang clearing operations ng DPWH sa mga apektadong kalsada.

Nagsasagawa na rin ng assessment sa lawak ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura.

 

 

 

Read more...