Pasig City LGU magdo-donate ng P1M sa mga nasalanta ng bagyong Rolly

Magbibigay ng P1 milyon ang Pasig City Local Government Unit (LGU) sa mga lugar na labis na sinalanta ng Super Typhoon Rolly.

Inanunsyo ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ayon kay Sotto, kukunin ang pondo mula sa kanilang DRRM Special Trust Fund.

“The Pasig LGU will help through the DRRM Special Trust Fund. Upon checking w our DRRMO, we can contribute around 1M,” ayon kay Sotto.

Nagpasalamat si Sotto na hindi naapektuhan ng matindi ang Pasig City ng bagyong Rolly.

Hinimok din nito ang publiko na ipagdasal ang mga mamamayan sa mga hard-hit area.

 

 

Read more...