Mahigit 400 pang pasahero stranded sa mga pantalan sa NCR at Bicol

Mayroon pang mahigit 400 na pasahero at truck drivers ang stranded sa mga pantalan sa NCR at Bicol dahil sa pananalasa ng Typhoon Rolly.

Ayon sa abiso na inilabas ng Coast Guard, hanggang alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 2 mayroong 212 na pasahero at drivers ang stranded sa Bicol region.

Mayroon ding 77 rolling cargoes na stranded at hindi pa nakabibiyahe.

Samantala, sa pantalan sa NCR naman mayroong 200 pasahero at mga driver ang stranded pa rin.

Kabilang din sa stranded ang 3 barko, 110 na motorbancas at 24 na rolling cargoes.

 

 

 

Read more...