Coast Guard may namonitor nang bumiyaheng mga pasahero simula kaninang madaling araw

Mayroong 1,385 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakatalaga sa mga pantalan sa bansa para imonitor ang mga bumibiyaheng pasahero ngayong Undas.

Umabot sa 40 mga barko at 11 motorbancas ang naisailalim sa inspeksyon.

Mayroong namonitor na 394 outbound passengers at 188 inbound passengers na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa simula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 6:00 ng umga kanina.

Sa Coast Guard District – Central Visayas nakapag-inspeksyon ng 31 barko at 11 motorbancas.

Sa nasabing rehiyon din nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga pasaherong bumiyahe.

 

 

Read more...