Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 46,000 pa

Umabot na sa lagpas 8.2 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 46,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,229,322 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 563,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 122,642 na.

 

 

Read more...