Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 201.78 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (November 2) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 200.67 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.62 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.48 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 78.69 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 78.86 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nanatili naman ang antas ng tubig ng Pantabangan sa 195.42.

Samantala,patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

 

Read more...