Nakasaad sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa mga Telco ang pangangailangan para sa mabilis na panunumbalik ng serbisyo ng telekomunikasyon sa mga lugar na lubhang tinamaan ng super typhoon.
Mahalaga aniya na agad na maibalik ang serbisyo ng mga telco lalot sa panahong ito kung saan mas kailangan ang mabilis na komunikasyon, panunumbalik ng komersiyo at mga negosyo, distance learning at higit sa lahat para makatugon ang gobyerno sa rescue at recovery operations.
“Please accelerate the mobilization and transport of your respective technical / service personnel and equipment to the affected areas immediately.” saad sa memorandum ni Cordoba.
“The Commission will expect status updates every six (6) hours of ongoing restoration activities being performed on your network and facilities and a timeline for the full restoration of service.” Pakiusap ni Cordoba.
Nabatid na pahirapan sa kasalukuyan ang pagpapadala at pagtanggap ng text messages, phone calls at mobile data sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa ‘multiple fiber cuts’ sanhi ng malalakas na hangin na dala ng Typhoon Rolly.