Mahigit 1,000 pamilya inilikas sa Batangas City

Nasa 1,702 pamilya ang inilikas sa Lungsod ng Batangas hanggang alas dose ng hatinggabi ng Lunes (Nov. 2) dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Marie Villena-Lualhati, Public Information Chief ng Batangas City, ang mga ito ay mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Partikular aniya ito sa Tierra Verde Subd., Barangay Pallocan West; Sitio Gitna, Barangay San Isidro; Sitio Takad, Barangay Libjo at iba pang barangay na binabaha.

Tumaas ang baha sa lugar dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Nagkaroon din ang search and rescue operation dito ang lokal na pamahalaan, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross at iba pang responder para ilikas ang mga apektado.

Mayroon aniya na narescue sa ikalawang palapag ng mga bahay yung iba naman ay sa mga bubungan.

Wala naman napaulan na casualty sa lungsod dahil sa bagyo

 

 

Read more...