Marcos, nanguna sa mock elections ng University of Caloocan City

Bongbong Marcos2Patuloy na nangunguna sa mga mock elections ng mga eskwelahan si vice presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ito ang lumitaw sa pinakabagong mock elections survey na isinagawa sa mga mga estudyante sa limang campus ng University of Caloocan City (UCC).

Sa mock survey na ginawa sa limang campuses, si Marcos ay runaway winner matapos na makakuha ng 40.15%.

Sumunod kay Marcos si Sen. Francis “Chiz” Escudero na nakakuha ng 31.02%.

Ikatlo si Senator Cayetano na nakauha ng 9.97%, sumunod si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may 9.74%, panglima si Senator Antonio “Sonny” Trillanes na nakakuha ng 4.19%, at pang-anim si Senator Gregorio “Gringo” Honasan na may 1.46%.

Ang UCC ay mayroong 18,192 students sa limang campus nito.

Maliban sa UCC, naguna rin si Marcos sa mock polls na ginawa ng Arellano University sa 1,500 respondents sa anim na campuses nito.

Nakakuha si Marcos ng 45.75% habang si Cayetano na pumangalawa ay may 18.76%.

Nasa ikatlong pwesto si Escudero na nakakuha ng 16.58%, pang-apat si Robredo na may 11.45%, panglima si Trillanes na mayroong 3.92% at pang-anim si Honasan na nakakuha ng 1.73%.

Kamakailan, nagdaos din ng mock polls sa Adamson University sa Maynila at si Marcos din ang nanguna sa vice presidentiables matapos siyang makakuha ng 46.35%.

Read more...