Sa abiso ng SM, sa Lunes Santo (March 21 at sa Martes Santo (March 22) mananatili ang regular na schedule sa lahat ng SM malls maliban lamang sa SM Baguio City na mag-ooperate mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi para sa nasabing mga petsa.
Sa Miyerkules Santo naman (March 23) regular pa rin ang mall hours sa lahat ng SM malls maliban sa SM Baguio City, SM Novaliches at SM San Lazaro na mag-ooperate mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.
Sa Huwebes Santo (March 24) at sa Biyernes Santo (March 25) lahat ng SM malls ay sarado, maliban lamang sa SM Baguio City (10AM to 10PM), Mall of Asia Veranda restaurants at SM by the Bay (regular operating hours).
Sa Black Saturday (March 26), balik na sa regular mall hours ang lahat ng SM mall maliban lamang sa SM Baguio City, SM Novaliches at SM San Lazaro na mag-ooperate mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.
At sa Easter Sunday (March 27), regular mall hours na ang lahat ng sangay ng SM.