WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sasailalim sa self-quarantine matapos ma-expose sa COVID-19 patient

Sasailalim sa self-quarantine si World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ayon sa opisyal, ito ay matapos na magkaroon siya ng contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Tedros na maayos naman ang kaniyang kondisyon at walang nararanasang sintomas.

Bilang pagsunod sa WHO protocols sasailalim siya sa self-quarantine at magwo-work from home muna.

Tiniyak ni Tedros na siya at kaniyang mga kasamahan sa WHO ay magpapatuloy sa pag-uugnayan para maprotektahan ang mundo laban sa COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...