Ang bagyo ay huling namataan sa layong 850 kilometers East ng Northern Luzon alas 3:00 ng madaling araw ngayong Lunes (Nov. 2).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa bagyong Rolly at trough ng Tropical Storm Siony.
Ang Western Visayas, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula naman ay makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng bagyong Rolly.
Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.