Presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo

May bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Tinatayang nasa 90 centavos hanggang P1 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Nasa 80 hanggang 90 centavos naman ang bawas sa kada litro ng diesel at 60 hanggang 70 centavos sa presyo ng kerosene.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong hala ng ipatutupad na rollback na magiging epektibo bukas araw ng Martes.

 

 

 

 

 

 

Read more...