154 na provincial bus units papayagang bumiyahe simula ngayong araw

Bukas na simula ngayong araw, Nov. 2 ang anim na ruta para sa mga provincial bus.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 154 na mga bus ang makabibiyahe sa 6 na ruta patungong Region 8 at pabalik ng Metro Manila.

Kabilang sa mga binuksang ruta simula ngayong araw ay ang mga sumusunod:

1. ORMOC CITY, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
2. PALOMPON, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
3. TACLOBAN CITY, LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
4. MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
5. CATARMAN, NORTHERN SAMAR – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA
6. LAOANG, NORTHERN SAMAR – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

Muling pinapaalala ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe para sa mga nabanggit na ruta,, maliban na lang kung ipinag-utos ito ng LTFRB.

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUBs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa bus.

 

 

 

 

 

Read more...