Residential area sa Bacoor City, Cavite tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Sineguelasan, Bacoor, Cavite Linggo (Nov. 1) ng gabi.

Umabot sa 4th alarm ang sunog na nangyari sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Rolly.

Dinala naman muna sa evacuation center ang mga nawalan ng tirahan.

Ayon sa Bacoor City government, sa mga nais magpahatid ng tulong para sa mga naapektuhang pamilya, maaaring dalhin ang tulong sa Barangay Hall ng Barangay Sinenguelasan.

Inaalam pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung ilan ang bilang ng mga naapektuhang pamilya.

 

 

 

 

 

Read more...