Escudero, Marcos ‘statistically tied’ sa Pulse Asia survey, Robredo nagawa nang makalapit

Photo from politics.com.ph
Photo from politics.com.ph

Statistically tied sa bagong Pulse Asia survey sina vice presidential candidate Senators Francis “Chiz” Escudero at Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa survey na isinagawa mula March 1 hanggang 6, si Escudero ay nakakuha ng 25% mas mababa sa 26% niya noong February survey habang si Marcos ay nakakuha naman ng 22% na mas mababa ng 4 points sa 26% na kaniyang nakuha noong nagdaang survey.

Ayon sa Pulse Asia, sa margin of error na 1.9%, maituturing na statistically tied na ang dalawa sa first place.

Pero kapansin-pansin ang paghabol sa ratings ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na nakakuha ng 21% na mas mataas ng 3% kumpara sa February survey.

Sumusunod naman sina Senators Alan Peter Cayetano na may 14%, Antonio Trillanes IV na may 6% at Gringo Honasan na nakakuha ng 5%.

Read more...