Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 100 kilometers West Southwest ng Subic Bay alas 4:00 ng madaling araw ngayong Lunes, Nov. 2.
Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Lalo pa itong hihina at magiging tropical depression na lamang.
Nananatili pa ring nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
– northwestern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
– western portion ng Batangas
– extreme western portion ng Laguna – Cavite
– Metro Manila
– western portion ng Bulacan
– western portion ng Pampanga
– Bataan
– southern portion ng Zambales