Sa survey na isinagawa mula March 1 hanggang 6, nakakuha si Poe ng 28% na mas mataas ng dalawang puntos sa 26% na nakuha niya noong February 16 to 27 survey.
Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte naman na ang nasa ikalawang pwesto na mayroong 24% na mataas din ng two points sa 22% na nakuha niya noong nakaraang buwan.
Habang nasa ikatlong pwesto si Vice President Jejomar Binay matapos na bumaba sa 21% ang nakuha niyang rating mula sa 24% noong nakaraang buwan.
Sumunod naman si administration bet Manuel “Mar” Roxas na nakakuha ng 21% mula sa 20% noong February survey at si Senator Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha ng 3%.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa 2,600 respondents kung sino ang iboboto nilang presidente kung ang eleksyon ay ginawa noong araw na idinaos ang survey.