#SionyPH, humina ngunit nanatili sa tropical storm category

Bahagyang humina ang Bagyong Siony ngunit nanatili sa Tropical Storm category.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 990 kilometers Silangan ng Northern Luzon bandang 10:00 ng gabi.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa diresksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Sa ngayon, wala pang lugar na nakataas sa Storm Signal.

Ayon sa PAGASA, kikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran hanggang Lunes ng gabi, November 2.

Mananatili ang bagyo bilang tropical storm sa susunod na 36 hanggang 48 oras.

Sa ngayon, wala pa ring direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa.

Read more...