Rescue operation, isinagawa sa Batangas dahil sa pagbaha

Photo credit: Philippine Red Cross/Twitter

Lubog sa baha ang ilang barangay sa Batangas bunsod ng ulang dala ng Typhoon Rolly.

Agad nagkasa ang Philippine Red Cross ng rescue operations para masagip ang mga apektadong residente.

Kabilang dito ang Tierra Verde Subdivision sa bahagi ng Barangay Pallocan West sa Batangas City.

Photo credit: Philippine Red Cross/Twitter

Apektado rin ng pagbaha sa Barangay San Isidro kung kaya nagsagawa rin ng operasyon sa nasabing lugar.

Ayon sa Red Cross, nakatanggap sila ng mga mensahe sa Facebook at Twitter na humihingi ng tulong.

Sa datos ng Red Cross Batangas Chapter, nasa 110 indibidwal ang kanilang na-rescue.

Photo credit: Philippine Red Cross/Twitter

Read more...