Natabunan ng lahar at mga bato mula sa Bulkang Mayon ang mahigit 300 bahay sa bahagi ng Barangay San Francisco sa Guinobatan, Albay Linggo ng umaga.
Ito ay bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Typhoon Rolly.
Batay sa Facebook post ni AKO BICOL Rep. Zaldy Co, makikita ang malalaking bato at lahar na halos kasing taas na ng ilang bahay.
Sinabi ng mambabatas na mahigit 300 bahay sa Purok 6 at 7 ang naapektuhan nito.
Sinabi pa ni Co na dalawa ang napaulat na nasawi habang dalawa pa ang nawawala.
Nagparating naman ng pakikidalamhati ang kongresista sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES