Ilang residente sa Quezon City, inilikas na rin

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Inilikas na rin ang ilang residente sa Quezon City dahil sa Typhoon Rolly, araw ng Linggo (November 1).

Ayon sa Quezon City government, tinutulungan ng QC Department of Public Order and Safety ang mga residenteng nasa danger zone na gutso nang lumikas.

Hinikayat naman ang iba pang residente sa danger zone na lumikas na rin at pumunta sa pinakamalapit na evacuation area bago tumaas ang tubig.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang pamamahagi ng food packs ng QC LGU at mga punong barangay sa mga apektadong residente.

Kabilang dito ang mga sumusunod na barangay:

District 1
– Katipunan
– Masambong

District 2
– Payatas
– Batasan Hills
– Bagong Silangan

District 3
– Bagumbayan

District 4
– Tatalon
– Doña Imelda
– Damayang Lagi
– Roxas

District 5
– Sta. Lucia

District 6
– Apolonio Samson

Photo credit: Quezon City government/Facebook
Read more...