31 pang residente sa Quezon City, naka-recover sa COVID-19

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,680 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (November 1).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 996 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

21,032 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 652 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 19,733 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...