DILG, inatasan ang LGUs na tiyaking may isolation center ang evacuation centers

Inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government unit na tiyakin na may isolation center ang mga evacuation center.

Ito ay para matiyak na hindi mahahalo sa karamihan ng evacuee ang mga may sintomas ng COVID-19 habang patuloy na nanalasa ang bagyong Rolly.

Ayon kay Año, dapat matiyak na nasusunod ang health protocols na itinakda ng pamahalaan gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing at iba pa.

“Unang-una, kasama sa advisories natin ay iyong paghahanda nga ating LGUs sa evacuation at the same time siguruhin din na iyong mga isolation centers natin ay safe at nasusunod pa rin iyong ating mga minimum health standards and protocols, ‘no,” pahayag ni Año.

Mahalaga aniya na sa panahon ng bagyo, kailangan matugunan pa rin ang pandemya.

Read more...