Sa abiso ng ahensiya, ang kanilang mga tauhan, partikular na ang Metropolitan Public Safety Office, ay maaring tumulong sa road clearing, quick response at rescue.
At para maiwasan ang pagbaha, pinagana ang 56 pumping stations sa Metro Manila at naka-stand by din ang mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office.
Nakahanda na rin ang mga gamit ng ahensiya, tulad ng rubber boats, ambulansiya at rescue vehicles.
Nakatutok sa monitoring ang mga tauhan ng Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center at sila ay nakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management Units ng 17 LGUs.