Babae nabagsakan ng natumbang puno sa Catanduanes, patay

Inanunsiyo ni Catanduanes Governor Al Bichara na may naiulat na sa kanyang dalawang patay dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Aniya, ang mga nasawi ay sa bayan ng Polangui at Daraga.

Isa sa namatay ay kinumpirma na ni Office of Civil Defense – Bicol Region Dir. Claudio Yucot at aniya ito ay isang babae.

Aniya namatay ang babae nang mabagsakan ng puno ang bahay nito sa Barangay Kimantong sa bayan ng Daraga.

Patuloy naman na bineberipika nila ang napa-ulat na namatay sa Polangui, na ayon kay Bichara, ay nasawi sa pagkasira ng dike.

Read more...