Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 1), umabot na sa 383,113 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,115 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,396 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.9 porsyento ang asymptomatic; 5.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 17 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,238 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 17,727 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 348,760 o 91 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.