PCG, nakataas na sa full alert status dahil sa Bagyong #RollyPH

PCG photo

Nakataas na sa full alert status ang lahat ng Philippine Coast Guard (PCG) District, Station, at Sub-Station sa buong bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pinsala ng Typhoon Rolly.

Nakahanda na ang mga Coast Guard unit sa Bicol, Southern Tagalog, NCR, at Eastern Visayas lalo’t ito ang lubos na maaapektuhan ng bagyo.

Nakatutok din 24 oras ang PCG Command Center upang makapagbigay ng agarang sa anumang insidente maganap sa mga susunod na oras.

Nakikipag-ugnayan din ang PCG sa mga local government unit (LGU) para matulungan ang mga apektadong pamilya at maging sa pagbibigay ng medical o rescue assistance, kung kinakailangan.

Read more...