Bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 1,584

Umabot na sa mahigit 1,500 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Rolly.

Sa maritime safety advisory hanggang 4:00, Sabado ng hapon (October 31), na-stranded ang 1,584 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol region at Eastern Visayas.

Maliban dito, stranded din ang 456 vessels, pitong motorbancas at 344 rolling cargoes.

Sinabi ng ahensya na moderate to rough sea condition ang nararanasan sa Southern Tagalog at Eastern Visayas habang light to moderate sea condition naman sa Bicol.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Read more...