$81 million, ‘largest bank attack’ sa kasaysayan ng Bangladesh

Bangladesh Central Bank MainNakatakdang magbigay ng pahayag ngayong araw ang Finance Ministry office ng Bangladesh hingil sa pag-atake ng mga cycber criminal na nagbunsod ng pagnanakaw ng $81 million sa kanilang bangko.

Ito na ang itinuturing na largest bank attack sa kasaysayan ng Bangladesh.

Ayon kay Finance Minister Abul Mal Abdul Muhith ngayong araw magbibigay ng pahayag ang pamahalaan ng Bangladesh.

Dismayado si Muhith na hindi agad naipabatid sa kaniya ng Bangladesh Bank ang insidente ng pagkawala ng malaking halaga ng pera.

Si Bangladesh Central bank governor Atiur Rahman ay galing sa India para dumalo sa isang conference sa loob ng isang linggo.

Kagabi lamang ito dumating sa Bangladesh pero bigo ang mga mamamahayag doon na makuhanan siya ng reaksyon hinggil sa insidente.

Noong araw ng Linggo nang kinumpirma ng central bank ng Bangladesh na may mga cyber criminal na umatake sa kanilang bangko at tinangka i-withdraw ang $951 million mula sa U.S. bank account.

Nagawang pasukin ng hackers ang computer systems ng Bangladesh Bank at nailipat ang $81 million mula sa Federal Reserve Bank of New York account patungo sa mga account sa Pilipinas noong Feb. 4 hanggang Feb. 5.

Kasama rin sa natuklasan ng Central Bank ng Bangladesh ang $20 million na nailipat naman sa Sri Lankan bank.

Mayroon pang ibang pagtatangkang money transfer na nagkakahalaga ng $850 million pero nagawa itong mapigil matapos magtaas ng money laundering alert ang American bank.

Read more...