Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 53,448

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (October 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 492 na bagong kaso kaya pumalo na sa 53,448 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 14,826
Laguna – 14,953
Batangas -9,322
Rizal – 10,754
Quezon – 3,593

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 8,119.

Nasa 43,908 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 919 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,162
Laguna – 13,238
Batangas – 8,122
Rizal – 8,314
Quezon – 2,072

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 24 kaya umabot na sa 1,421 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 390
Laguna – 308
Batangas – 253
Rizal – 354
Quezon – 106

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

Read more...