Bilang ng mga nakarecover sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Biyernes, October 30, 4:02 PM), umabot na sa 5,105 ang bilang ng mga gumaling na sa lungsod kung saan nakapagtala ng 16 na bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga active cases ay nasa 175 na kung saan nakapagtala ng 13 kaso.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nadagdagan ng isa kaya umabot na ito sa 173.

Umabot naman na sa 5,453 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 1,072 at wala namang naitalang probable.

Read more...