October inflation rate nasa pagitan ng 1.9 – 2.7 percent – BSP

May posibilidad na manatili sa 2.3 percent ang inflation rate sa bansa ngayon Oktubre.

Ibinahagi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno na sa pagtataya naman ng kanilang Department of Economic Research maaring ang October inflation rate ay maglaro sa pagitan ng 1.9 – 2.7 percent.

Sinabi nito, may naging pagtaas sa singil sa kuryente ang Meralco at tumaas din ang halaga ng LPG at kerosene gayundin ang ilang pagkain dahil naman sa mga nagdaang masamang panahon.

Aniya ang maaring maging pangontra naman ay ang mababang presyo ng gasolina, krudo at bigas gayundin ang pagbaba sa halaga ng tubig ng Manila Water at Maynilad.

Ngunit sinabi ni Diokno na mananatiling silang nakatutok sa mga magiging kaganapan na may kaugnayan sa ekonomiya para matiyak na stable ang presyo ng mga produkto at serbisyo.

Tinataya na hanggang 2022 maglalaro sa 2 – 4 percent ang inflation rate sa bansa.

Inaasahan din nila na sa Disyembre hanggang sa Enero ng susunod na taon ay bababa pa sa 2 porsiyento ang inflation rate.

Read more...