Dumistansiya ang DOH sa paggamit ng necklace air purifiers, na sinasabing maaring maging proteksyon kontra coronavirus disease (COVID-19).
Sa inilabas na pahayag, nilinaw na hindi iniendorso ng kagawaran ang paggamit ng mga naglalabasang necklace air purifiers na ipinalabas ng ulat sa isang pahayagan.
Bagamat hindi naman nakakasama sa kalusugan ang necklace air purifiers, hindi nila iniendorso o hinihikayat ang paggamit ng mga ito dahil hindi pa napapatunayan ang bisa ng mga ito laban sa virus o bacteria.
Pagdidiin din, hindi rin maaring gamitin pamalit ang necklace air purifiers sa pagsusuot ng face shield at mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing para makaiwasa sa nakakamatay na virus.
Kasabay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na sumunod sa mga bilin at abiso lang ng kagawaran, gayundin ng World Health Organization at inirerespetong health institutions para sa mga totoong impormasyon.