Kaso ng COVID-19 sa buong mundo muling nadagdagan ng mahigit kalahating milyon sa magdamag

Umabot muli sa mahigit kalahating milyon ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Oct. 30) ay 45,319,226 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 500,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 94,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 49,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 33,000 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,212,767
India – 8,088,046
Brazil – 5,496,402
Russia – 1,581,693
France – 1,282,769
Spain – 1,238,922
Argentina – 1,143,800
Colombia – 1,053,122
UK – 965,340
Mexico – 912,811

 

 

 

Read more...