Shutdown sa operasyon ng MRT-3 mula bukas hanggang Nov. 2 kinansela dahil sa TY Rolly

Hindi na muna itutuloy ang pagpapatupad ng temporary shutdown sa operasyon ng MRT-3 bukas, Oct. 31 hanggang sa Nov. 2.

Sa abiso ng MRT-3, pinaburan ni DOTr Secretary Arthur Tugade na suspindihin ang naka-schedule na weekend shutdown.

Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon sa abiso ng DOTr MRT-3, mahalagang maprotektahan ang mga manggagawa na magiging bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasabing petsa.

Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue station.

Magbibigay na lamang ng anunsyo ang pamunuan ng MRT-3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.

Dahil dito, magpapatuloy ang operasyon ng mga tren sa mainline bukas hanggang Lunes.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...