Ngunit ayon kay Revilla mababalewala pa rin ang extension kung hindi aayusin ng tollway ang kanilang sistema na nagdudulot ng kaguhulan sa mga motorista.
Ayon sa senador patuloy siyang nakakatanggap ng mga reklamo at marami sa mga ito ang nagsabi na tila hindi napaghandaan ng tollway operators ang paglipat sa cashless transaction sa pamamagitan ng RFID.
Isa din sa inirereklamo ang sinasabing kakulangan ng sticker kayat nagpatupad ng cut-off na 100 stickers lang kada araw sa mga installation centers.
Ngunit sinabi ni Revilla na may mga sumbong sa kanya na may mga fixers na rin na nag-aalok ng kabit-sticker sa halagang P250 gayun ang dapat bayaran lang ay P100 para sa consumable load.
Nagtataka ang senador dahil ang mga fixer ay tila unlimited ang RFID sticker ngunit nauubusan ang mismong operators.