Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 49,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 8,088,046 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 7.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 595,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 121,131 na.
MOST READ
LATEST STORIES