Magat dam nagpapakawala pa din ng tubig; 2 gate ang nakabukas

Patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig ang Magat dam sa lalawigan ng Isabela.

Sa update mula sa Magat Sub-basin, hanggang alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, Oct. 30 ang dam ay nasa 190.41 meters ang water level.

Dalawang gate pa rin ang bukas dito at nagpapakawala ng tubig.

Inabisuhan ang mga residente sa munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Baguilian at Gamu na maari silang maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

 

 

 

 

Read more...