Pasok sa mga korte ngayong araw, half-day lang

Half-day lamang ang pasok sa mga korte ngayong araw, Oct. 30

Sa inilabas na memorandum order ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, hanggang alas 12:00 lamang ng tanghali ang pasok ngayong araw sa mga korte sa bansa.

Sakop nito ang SC, Court of Appeals, Presidential Electoral Tribunal, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng first and second level courts sa bansa.

Tuloy naman ayon sa SC ang pagdaraos ng training seminar ng Philippine Judicial Academy on the 2019 Amendments to the 1997 Rules of Civil Procedure.

 

 

 

 

 

Read more...